Lunes, Agosto 1, 2011

Pag-ibig Nga Naman

       Komusta na po? Pano ka ba umiibig sa isang tao? lahat ba gagawin mo para lang magustuhan ka? susunod sa lahat ng gusto niya?..minsan ba kaw na lang lagi ang nagpapasori sa kanya kahit lam mo na siya naman ung may kasalanan, para lang di lumala ung tampuhan nyo? lahat bibigay mo para mapasaya siya sa piling mo?...kung ganun, mahal mo nga sya..

        Karamihan sa mga babae, hinihintay nila ang kanilang prinsipe or soulmate sa kanilang buhay bag-ibig.. lahat gagawin para matagpuan ito..Pero yung iba, minabuti na lang na di na magmahal ulit, un ang mga taong nabigo sa pag-ibig! pero mali yun di ba? kasama talaga ung masaktan ka, pano mo malalaman na nagmahal ka kung di ka masasaktan?  Minsan nga yung iba walang nakalaan para sa kanila kaya tuloy nagiging matandang dalaga..or sila na mismo yung nagsara sa kanilang puso na di na iibig pa..minsan nga yung gusto mo, ayaw sayo, yung ayaw mo naman, gusto ka..hay hirap maintindihan, sana natuturuan ang puso na mahalin mo nalang ung taong mahal ka! pero di naman madali un di ba?

       Sabagay, mahirap magmahal sa taong di ka naman mahal,, yung tipong pinipilit mo lang ung sarili mo sa kanya, kala mo matututuhan ka din mahalin! kaso hangang ngayon umaasa ka pa rin na mahalin ka...ginagawa mo nga lahat para lang di ka iwanan..di mo na namamalayan,  nagiging tanga ka na sa kanya..sabi nga nila  "Tanga na kung tanga, basta't mahal ko siya" sila ung mga taong baliw sa pag-ibig.. kahit nga iba na panahon natin may 'martyr' parin diba? dami nga kanta na naging hits..una, na jan ung kanta ni Roselle Nava..

Bakit Nga Ba Mahal Kita

Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

CHORUS
Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, heto pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka nang iba
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O, bakit nga ba mahal kita

Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa 'yo'y 'di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
'Di naghahangad ng ano mang kapalit

[Repeat 2nd Stanza]
[Repeat CHORUS twice]

CODA
O, bakit nga ba mahal kita

       Mahirap mabigo sa pag-ibig,..peRo masarap din umibig sa taong alam mo na mahal ka..Pag kasama mo siya parang tumitigil ang mundo mo, kausap mo lang siya para bang nasa ulap ka..lagi ka nga nakangiti, sarap sa pakiramdam..gumagaan at nagkukulay ang buhay mo para sa kanya..ngingiti lang sayo..hay..kinikilig ka na..un un..kilig moments hay..sarap kiligin..

        Basta't wag mahiya sa nararamdaman mo sa isang tao, pakita mo at iparamdam sa kanya na mahal mo siya, malay mo mahal ka din pala..naghihintay lang siya syo ..wag ka lang aasa na masusuklian ung binibigay mong magmamahal sa kanya..pag umiibig ka kasi di naghihintay ng kapalit. .sa iba lang un, ako? di noh..gusto ko may kapalit ung binibigay kong pagmamahal,.dapat mahalin din ako pag hindi..di ko sasayangin ang magmamahal ko sa taong di marunong magmahal..di ako martyr para jan..pero minsan na akong naging tanga,.mahirap talaga pero kung kaya mong maging martyr go lang ng go...

salamat sa inyo..
       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento